Ang hirap lang.
Yung makita ko lang yung picture mo, wala, back to zero ako. Tangina. Bakit ganun? Bakit kasi ganyan ka. Nananahimik ako eh. Ikaw nauna eh. Tae. Eto naman ako si tanga, na-fall.
Eto pa ang masaklap, bigla ka nalang hindi papansinin. Parang kriminal ka at hindi ka nalang papansinin. Buti nga ang mga kriminal may hearing eh! Tayo? Wala! Parang bula. Tangina.
Matatanggap ko pa kung may closure eh. Kaso wala eh. Ang hirap tuloy. Hindi ko alam ang gagawin.
Hanggang sa mga oras na to, pag nagtext ka o nagchat, sigurado naman, aarte ako na parang walang nangyari. Na parang wala akong hinanakit sa buhay. Sa atin. Tangina. Unang una, walang tayo. Bwisit.
Sus, bestfriend daw, tapos may meaning yung “I Love You”. Tanginang “I Love You” yan. Sa maling tao ko pa natutunan!
Okay, magulo na ako. Sorry for the bad words. I just had to.
(Source: bumbumpawjd)




